Gobyerno at oil firms nagpipiyesta sa oph

WALANG higit na natutuwa sa oil price hike o pagmamahal ng mga produktong petrolyo kundi ang pamahalaan.

Siyempre pa, kakambal ng gobyerno sa katuwaan ang mga kompanya ng langis.

Sa laki ba naman ng kita ng pamahalaan at ng mga oil company sa mga  oil price hike.

oOo

Paano ba natutuwa ang gobyerno rito?

Siyempre , habang mas mahal ang petrolyo, mas mahal ang kinukubra nitong 12 porsiyentong expanded value added tax dito.

At dahil lalong lalaki ang kita ng mga kompanya ng langis, mas malaking corporate tax din ang masisingil ng gobiyerno.

Sabi ng Petron, nasa P15 kada litro ang singil ng gobyerno bilang EVAT.

Dahil magmamahal naman ang mga piyesa ng sasakyan at mga pangunahing bilihin, makakukubra rin ang gobyerno ng mas malaking EVAT sa mga ito.

Ganyan katindi ang gobyerno sa pamemera.

Hindi tayo tiyak ngunit sinasabing umaabot sa P150 bilyon ang nakukubra ng gobyerno sa EVAT taon-taon,

oOo

Itong mga kompanya ng langis naman, suki, ay nagpipiyesta rin sa OPH.

‘Yang big 3 na binubuo ng Petron, Shell at Caltex o Chevron ay kitang-kita na kumikita sa OPH.

Paano? Aba, tuloy-tuloy ang mga ito na kasali sa Top Ten Corporations of the Philippines.

Bilyon-bilyong piso ang kanilang kita taon-taon at palaki sila nang palaki at palawak nang pa-lawak ang kanilang operasyon sa buong repa-blik ni Juan.

Itong Petron at Shell ay nagneto yata ng nasa P5-7 bilyon nitong nakaraang taon at medyo mas mababa nang kaunti ang netong kita ng Caltex.

oOo

Ganito katindi ang gob-yerno at mga kompanyang langis kung pagkakitaan nila si Juan.

Wala silang awa o malasakit man lang.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply