Gov. Vilma Santos, Kim Chiu perfect tandem sa ‘The Healing’

KAHIT wala kami sa mismong presscon para sa pelikulang The Healing ng Star Cinema, we shared our friends’ numerous taped interviews sa mga artista ng naturang pelikula. Particularly, nakakuha ng aming atensyon ang tungkol sa faith healing na isa sa mga issues na tinalakay sa kabuuan ng pelikula.

Dahil nga tungkol sa faith healing ang horror movie ni Batangas Gov. Vilma Santos na The Healing under Star Cinema, sa grand presscon kamakalawa ng gabi ay natanong ang buong cast kung na-try na rin ba nilang magpagamot sa faith healer.

Mabilis namang umamin ang Star for All Seasons na nasubukan na niya ang lumapit sa faith healer.

“I think kung hindi ako nagkakamali,” kuwento ni Ate Vi, “(nun’g) first time na mag-mayor ako, tapos two weeks pa lang akong nagtatrabaho, I was hospitalized for three weeks, hindi alam kung ano ang sakit ko.

“Lahat na ng tests, ginawa na sa akin, pero hindi malaman kung ano ang sakit ko na nanggagaling sa sikmura, I was having LBM (loose bowel movement) non-stop, for three weeks.

“Lahat na, ginawa na. Ultimo AIDS test, ginawa na sa akin that time. So, talagang wala. ’Yun pala, later on, nalaman nila na ang tawag pala doon, parang irregular bowel syndrome. Kasi naiba ang sistema ng katawan ko. Pag katapos ko ng showbiz, tapos biglang nag-mayor, ang aga nagigising.

“And then, after that, may ipinatawag na isang healer para gamutin ang sikmura, and then, hinipan ang ulo ko, tapos may papel na sinulatan, dinikit dito sa tiyan ko, tapos dinasalan. Tapos hinipo ’yung paa ko, dinasalan.

“But I got well after that. I mean, ginawa ko na ’yung medical (process), so, no harm (in trying), kung sinabi nila, i-try mo rin ’yung puwedeng magbulong. So, ’yun, I tried but I got well.

“In our family, hindi naman masama, mga Katoliko rin kami, ang mga kapatid ko nagpupunta rin sa ganyan. Kung minsan, ’yung mga kasambahay na hinihipo raw sa paa at dinadasalan, eh, gumagaling sila. Hindi natin alam if it’s psychological or what, pero sila ang makapagpapatunay. Maybe it’s faith,” mahabang kuwento ni Ate Vi.

Naikuwento rin ni ate Vi ‘yung tungkol sa unang pagsasama nila ni Kim Chui at kung paano na-conceptualize ang pelikula.

“Akong nag-request nito kay Direk Chito Rono right after ‘Feng Shui’ pa, para maiba naman ang challenge for me dahil bihira na ako gumawa ng movie. My role is so physical, maraming habulan, itinapon pa ko, nahilo ako, but it’s all worth it.”

She herself requested Kim Chiu to co-star with her. “When I did a TV special kasi for ABS na may workshop, Kim played my role in ‘Dolzura Cortez’ and I remembered that when they asked me kung sino ang gusto kong makasama, siya pinili ko.”

Samantala, maganda rin ang mga statements ni Kim Chiu tungkol sa pelikula at kay ate Vi. “When my handler told me my next movie is with Gov. Vi, yes ako agad, I didn’t ask for details anymore like what’s the story, what’s my role,” she says. “Basta ’di ko mapalalampas ang chance to work with her. But it turned out maganda ang role ko. In the story, my dad, played by Mark Gil, was once married to Gov. Vi and they have a son, si Martin del Rosario. Ako naman, anak kay Carmi Martin. Nagkaroon ako ng malubhang sakit and Gov. Vi takes me to a faith healer, Daria Ramirez, without knowing na mas mapapahamak lang pala ako. Doon sa trailer, you’d see me na humahaba ang leeg at natu-twist ang ulo ko. That’s one of the scary scenes in the movie. Makikita n’yo rin ako na hinahabol ang sarili ko. Intriguing, ’di ba? Naging dalawa ako!”

How is Gov. Vi on the set? “At first, siyempre, kabado ako, intimidated, pero napakabait niya, mahusay makisama. Walang ere, very down to earth. Siya pang tumatawag sa’kin para roon ako sa dressing room niya kasi mas malamig. E, nahihiya naman ako, so hinihila pa niya ako. And I learned so much about acting from her.”

About her lovelife, she’s happy that fans accept her tandem with Xian Lim now that former BF Gerald Anderson is linked to Sarah Geronimo.

“Magkasama kami uli ni Xian sa bagong soap na ‘Ina Kapatid Anak’. We’re the best of friends, pero hindi naman siya nanliligaw sa’kin.”

Also in the cast are Janice de Belen as Gov. Vi’s best friend with a blind son, Pokwang as a nurse who wants to go to Dubai, Daria Ramirez as the faith healer, Joel Torre as Daria’s brother and assistant, Mark Gil as Vi’s ex-husband, Carmi Martin as Mark’s new wife and mother of Kim and Martin del Rosario as the son of Vi with Mark. The movie opens on July 25.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply