Grabeng high tide at baha

GAANO katotoo ang paniniwalang tumataas ang high tide?

At ang high tide ay bunga ng mabilis na pagkatunaw ng mga ye-lo na bundok sa mga malalamig na lugar gaya ng Alaska, Greenland at iba pa sa North Pole?

Isa pa, ito ba’y bunga na rin ng climate change o pag-iinit ng mundo dala ng matinding polusyon sa buong mundo?

Aba kung totoo lahat ng ito, maghanda-handa na tayo sa hindi magandang kalagayan sa lupa.

oOo

Dahil sa climate change, sinasabing pati ang mga bagyo at ulan ay nag-iba na rin.

Bumagsik at nagiging siyam-siyam na ang mga ito.

Palatandaan umano rito ang mga lagpas pa sa signal namber tri na mga bagyo at madalas na siyam-siyam na ulan na buhos kung magtapon ng tubig sa atin.

Naririyan naman ang mga kambal o triplet na bagyo na kung minsan ay ayaw nang umalis sa repablik ni Juan sa loob ng dalawa o tatlong linggo kaya.

Isa pa, ang tag-ulan ay nagiging tag-araw at ang tag-araw ay nagiging tag-ulan.

Nararanasan na natin ito at nitong nakaraang samer lamang, sinabi ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration na magiging maulan ang tag-araw.

Nagkatotoo naman ito.

oOo

Ano-ano nga ba ang mga dapat nating gawin sa kalagayang ito?

Siyempre pa, dapat manguna mismo ang pamahalaan sa pagkontrol sa climate change.

‘Yang polusyon sa ha-ngin, ano ang ginagawa nito rito?

‘Yang pagbebenta ba ng mga kompanyang langis ng mga maruruming petrolyo ay nagagawa na nito, kasama na ang pagkontrol sa mga pabrikang mapolusyon?

Siyempre, ang depensa ni Mang Juan laban sa baha, bagyo at ulan, ano-ano ang mga ginagawa ng pamahalaan?

Tayo mismo, ano ang ating mga ginagawa?

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply