Granada natagpuan sa Manila Film Center

NATAGPUAN ng isang street sweeper ang isang fragmentation grenade na nakabalot sa isang plastic sa harap ng Manila Film Center sa Pasay City, kaninang tanghali.

Nabatid sa ulat ng Explosive Ordinance Division, dakong 12:00 ng tanghali nang makita ng street sweeper ang isang plastik.

Dahil inakalang mapakikinabangang bagay ang nakasilid sa plastik ay inusisa ito ng street sweeper.

Nang makita ang granada, agad na nagtatakbo ang babae at iniulat sa pulisya ang natagpuang pampasabog.

Nasa pag-iingat na ngayon ng SWAT-EOD ang granada para sa gagawing disposisyon.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply