Grupong Piston magsasampa ng demanda vs QCPD

NAKATAKDANG maghahain ng kontra demanda ang Pinag-isang Samahan ng mga Tsuper at Opereytor Nationwide o PISTON laban sa pamunuan ng Quezon City Police District.

Ito ang naging reaksiyon ni Piston National President George San Mateo matapos mabasa sa isang pahayagan na siyay kabilang sa kakasuhan ng QCPD kasama sina Renato Reyes ng Bayan; Cherry Clemente ng Migrante; Tinay Palabay ng Karapatan ; Liza Maza ng Gabriela ; Gloria Arellano ng Kadamay at Danilo Ramos ng Kilusang Magbubukid ng Pilipinas .

Nilinaw ni Mateona hindi aniya ang mag tsuper at militante ang may kasalanan sa naganap na karahasan sa Commonwealth avenue noong SONA ni  Pangulong Benigno Aquino III kundi ang PNP-QCPD dahil sa hindi aniya kinilala ang Batas Pambansa No.880.

Aniya, makikipag-ugnayan muna sila sa National Union of Peoples Lawyers at kukumpletuhin nila ang kanilang mga ebidensiya bilang depensa sa isasampa nilang counter charges na Arrogant and Ignoring the mandate of the law laban sa QCPD sakaling kasuhan sila.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply