Guidelines sa live media coverage inilabas ng JBC

INILABAS na ng Judicial and Bar Council (JBC) ang guidelines para sa gagawing live media coverage sa selection process ng susunod na Punong Mahistrado ng Korte Suprema.

Sa inilabas na guidelines, ang lahat ng mga mamamahayag ay kailangang kumuha ng kanilang media accreditation upang sila ay makapag-cover.

Manggagaling naman sa Public Information Office ng Korte Suprema ang media accreditation form na ibibigay .

Kasama rin sa inilabas na guidelines ng JBC ang mahigpoit na pagpapatupad ng “No ID, no entry” policy.

Sa Hulyo 24 na isasagawa ang public interview sa 24 na aspirante ng pagka-punong mahistrado ng Korte Suprema.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply