Gumahasa sa 9-anyos na batang babae arestado

KALABOSO ang isang lalaki na sinasabing humalay sa siyam na taong gulang na mag-aaral matapos lasingin ang ina ng bata noong Sabado ng gabi sa Parañaque City.

Kinilala ang suspek na si Johnny Dialan Binare, ng Multinational Village, Barangay Moonwalk naaresto nang magsagawa ng follow-up operation ang mga tauhan ni Parañaque police chief Sr. Supt. Billy Beltran.

Sa imbestigasyon ni Police Officer 1 Ivy Howard, naganap ang insidente dakong 6:00 ng gabi noong Sabado sa bahay ng biktima.

Barkada umano ng ina ng biktima ang suspek kaya nang alukin ng lalaki ang ginang na makipag-inuman ay pinaunlakan nito ang imbitasyon.

Gayunman, nang malasing ang ginang, dito na pinagsamantalahan ng suspek ang bata sa loob mismo ng bahay ng biktima.

loading...

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply