Gusaling pinagagawa ng TV host gustong talbugan ang dating pinagtatrabahuhang network

MARAMI ang nakapapansin sa pataas nang pataas na pinagagawang gusali ng TV host. Hitsurang tore ni Mabel ang naturang gusali dahil sa patuloy na pagtaas nito. Gusto siguro nitong abutin ang langit. Hahaha! Pero ang totoo raw nito, gusto lang yata ng host na talbugan ang building ng dati niyang pinagtrabahuhang network upang ipakitang rich na siya ngayon.

Dinig natin, mas mababa sa pinagagawa ngayon ang original plan ng nasabing gusali, ngunit dahil nga sa gustong lampasan daw at tingalain siya balang araw ng mga dating boss kaya heto’t mapapanganga ka talaga sa pagkatayog nito.

‘Yun namang mga nakapagbigay na nang downpayment sa condo unit na bibilhin nila ay nagtatanong kung kaylan nga ba ito matatapos. Matatandaang may ibinigay silang date nung una kung kaylan ito magagawa pero hindi nasunod dahil nagkaproblema sa pananalapi ang host.

Nagbigay siya ulit ng completion date nung December last year pero hindi pa rin natupad. Ngayon ay sa Disyembre raw ulit ang target date na makukumpleto ito, na mukhang magkakatotoo na dahil sa dirediretso nang pagagawa rito.

Well, malaking achievement ito para sa host na ‘to kapag natapos ang building. Kahit pa sinasabing kasosyo niya rito ang mabait na negosyanteng-politiko, ang alam naman ng lahat sa kanya lamang ito.

Sana sa patuloy na pagtaas ng kanyang gusali ay hindi rin tumaas ang kanyang lipad. Magsilbi sana itong bantayog ng kanyang kasipagan sa trabaho, hindi nang kayabangan.

***

Paglilibingan ni Dolphy ibinigay ni Zsa Zsa sa mga anak

MAY lupa palang nabili sina Zsa Zsa Padilla at ang yumaong Dolphy sa Loyola Memorial Park sa Parañaque na dapat sanang paglilibingan ng Comedy King pero ibinigay na lang daw ito ng singer/actress sa mga anak ng huli. Aniya, gamitin na lamang nila ito para mapakinabangan nila in the near future.

Ang ginawa ni Zsa Zsa ay bumili na lamang siya ng panibagong lote sa The Heritage Park sa Taguig para doon na lamang ilibing si Tito Dolphy.

Maaring nagdesisyon siya ng ganito para hindi na mahirapan ang lahat. Maganda nga namang sa Heritage na lang ihimlay ang mga labi ni Pidol dahil doon naman ito nakaburol. Pero ang bahay nilang mag-asawa ay sa Marina Base sa Parañaque malapit din lang sa Loyola.

***

Sa pangunguna ni Vice Gov. Daniel Fernando
Bulacan nagbigay ng pinakamataas na pagkilala kay Dolphy

ANG provincial government ng Bulacan ay gumawa nang isang ordinance upang bigyan nang recognition bilang pinakamataas na pagkilala kay Rodolfo “Dolphy” Quizon Sr. ng mga Bulakenyo.

Ang Sangguniang Panlalawigan ng Bulacan sa pamumuno ni Vice Governor Daniel Fernando ay nagpasa ng ordinance o Provincial Ordinance No. 225-T’12 to honor the King of Comedy’s contributions to the province and to the entertainment industry.

Ang resolution ay proposed actually ni board member Ramon Posadas pero ang author ay si Vice Gov. Daniel kasama rin ang board member na si Michael Fermin. Nagpaabot din nang condolences ang actor/politician at ang kapitolyo probinsyal sa mga naulila ni Dolphy, at personal siyang tumungo sa burol ng Comedy King upang makiramay.

Si Salud Vera, ang ina ni Tito Dolphy ay isang Bulakenyo, ipinanganak ito sa Wawa, Balagtas. At noong 1995 under the Performing Arts in Acting category in accordance with the Provincial Ordinance No. 386-T’95 of the Sangguniang Panlalawigan of Bulacan ay nabigyan ito nang parangal o “Gawad Dangal ng Lipi”.

***

Para sa inyong opinyon at reaksyon, tumawag lamang o mag-text sa #09074582883 at #09351851227 o kaya’y mag-email sa kuya_abepaul@yahoo.com at maari rin kaming mapakinggan sa Star na Star sa DWIZ 882 khz, 2-3 p.m. mula Lunes hanggang Biyernes.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply