Habagat magpapaulan sa Metro Manila

PATULOY na makararanas ng pag-ulan sa ilang bahagi ng Luzon, kabilang ang Metro Manila, at Visayas dahil sa Hanging Habagat.

Ayon sa PAGASA sa panayam sa radyo, asahan na magiging maulan pa rin sa Kalakhang Maynila lalo na sa hapon o sa gabi.

Samantala, tuluyan nang nakalabas kahapon sa teritoryo ng Pilipinas ang low pressure area.

Sinabi rin ng PAGASA na wala pang binabantayan na bagong sama ng panahon sa ngayon.

Sa pagtaya ng PAGASA, bukas at sa Sabado ay asahan ang magandang panahon.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply