Hagdang Bato umukit ng kasaysayan

BUMANDERANG tapos si horse racing sensation Hagdang Bato upang sungkitin ang 3rd Leg Triple Crown Championship kahapon sa San Lazaro Leisure Park sa Carmona, Cavite.

Dahil sa panalo naukit ang pangalan ni Hagdang Bato sa  kasaysayan ng mga kabayong nakawalis ng tatlong legs.

Sa largahan ay kinapa muna ni star jockey Jonathan “Uno” Hernandez hinete ni Hagdang Bato ang takbuhan at ng makitang hindi kumukuha ng unahan ang karibal na si Humble Riches ay ginalawan na nito ang winning horse para kunin ang bandera sa umarangkadang si Golden Empire.

Bandang far turn ng bumubulaga sa liderato si Humble Riches na ginabayan ni many-time Philippine Sportswriters Association, (PSA) jockey-of-the-year awardee Patty Ramos Dilema.

Hindi naman nataranta ang premyadong hinete na si Hernandez, binigay nito ang gusto ng kanyang kabayo upang pagsapit ng rekta ay iwanan na nila ang hinihingal na si Humble Riches.

“Napakahusay ni Hagdang Bato kahit anong distansya puwede siya.” masayang sabi ni class A rider Hernandez.

Nakapagtala ng tiyempong 2:07.6 sa 2,000 meter race sapat upang iuwi ang P1.8M na premyo.

Tinawid ni Hagdang Bato ang meta ng may walong kabayo ang agwat sa nasegundong si Humble Riches.

Tinanggap ni Humble Riches ang P675,000 habang ang tumerserong si Chevrome at pumang-apat na si Patron ay nagkamit ng P375,000 at P150,000 ayon sa pagkakasunod.

Pang-siyam si Hagdang Bato sa mga naka sweep at ang huling kabayong nalagay sa listahan ng mga humakot ng tatlong legs ay si Silver Story noong 2001.

Ang ibang kabayong binakat sa pader ng historya ay sina Fair And Square, (1981), Skywalker, (1983), Time Master, (1987), Magic Showtime, (1988), Sun Dancer, (1989), Strong Material, (1996) at Real Top, (1998).

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply