Handog ng langit

SA mundo ng kawanggawa, ang mga personahe na ginawang adhikain sa buhay ang pagtulong – lalo na sa mahihirap – ay binabansagan ng mga kaaya-ayang salita na nagsasalarawan ng kanyang mabuting ginagawa.

Bilyones ang bilang ng populasyon sa daigdig, pero ilan lang ang mga taong may pusong busilak na handang magpakasakit, tumulong at gastusin ang sariling pera, makapagbigay lang ng saya sa kapwa.

Sa Pilipinas, marami  ang nababalitang matulungin, pero iyan ay nangangailangan ng patunay.

Kailangan ang pruweba para masabi na sila’y karapat-dapat sa tinatamasang papuri sa mismong mga taong natulungan.

Sa kaalaman ng Chokepoint, dalawa pa lamang sa kategoryang ito ang pasok sa mga personaheng ginawa nang bahagi ng kanilang buhay ang pagtulong sa mga kababayan nating salat sa kahirapan.

Walang duda na si  Mark Jimenez o kilala sa tawag na MJ ay may pusong busilak na matagal nang nagbibigay ng ayuda sa mga nangangailangan – kahit saang sulok ng bansa – ng suportang pang-pinansyal.

Dahil sa kanyang kabutihan, binansagan siya ng mga salitang nagsasalarawan sa kanyang isinasakatuparang mga kawanggawa.

Kahit saang bahagi ng bansa, kung tawagin  siya’y ‘Hulog ng Langit’.

Sa pakiwari natin, walang ipinagkaiba si Jorge Del Rosario o JDR kay MJ dahil sa dami ng tulong na naigawad na nito sa mga kapus-palad nating kababayan, ang dalawa ay parehong tumatahak sa iisang landasin.

Sa ginawang pagsilip ng Chokepoint sa personal na buhay ni JDR, aba’y ‘di pala pipitsugin ang mamang ito dahil sa dami ng matagumpay na negosyo, masasabi nating kayang-kaya talaga nitong tumulong.

Napag-alaman ng inyong lingkod na buhay pa ang kanyang ama na si Jesus Del Rosario ay aktibo na ang kanilang pamilya (Del Rosa-rio) sa pagtulong, lalo na sa mga kapwa nila kababayang taga-Pasay.Naniniwala raw kasi si JDR na kaya nagtagumpay at naabot nila ang kanilang kinaroroonan ngayon ay dahil sa tulong na rin ng libo-libong mga kawani nilang Pasawenyo sa kanilang mga negsoyo.

Sa hangaring makatulong ng lubos, itinayo nila ang Jesus V. Del Rosario Foundation, Inc., para sa pagkakataong maibalik sa mamamayan, lalo na sa Pasawenyo ang tagumpay na nakamit sa negosyo.

Kumbaga, ibinabalik lamang ni JDR  sa mga tao, lalo na sa mga taga-Pasay  ang tinamo nilang tagumpay sa negosyo sa pamamagitan ng walang puknat na paggawad ng tulong sa abot na kanilang makakaya.

Ngayon…kung si MJ ay kilala sa tawag na ‘Hulog ng Langit’ dahil sa kanyang walang patid na pagtulong, nararapat din sigurong  tawagin na rin si JDR na  ‘Handog ng Langit’ dahil sa kanyang pagiging matulungin.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply