Handog Ngiti, Sagot sa Bingot

IKINATUWA ng lokal na pamahalaan ang tagumpay ng Handog Ngiti, isang proyektong tumutulong sa mga kabataang mayroong bingot (cleft lip o cleft palate) upang mabigyan ng libreng operasyon.

Ang Handog Ngiti ay pinangungunahan ng Office of the Vice Mayor (OVM), City Health Office (CHO), at Smile Train Foundation, isang international non-government organization na nagbibigay ng operasyon sa libu-libong batang may bingot sa buong mundo.

Ang proyekto ay nagbigay-biyaya na sa may 50 benepisyaryo simula inilunsad ito noong Mayo.

Bawat linggo, ilang piling benepisyaryo ang sumasailalim sa pagsusuri at operasyon sa St. Vincent Hospital sa mga araw ng Lunes at Martes.

Upang magpatala, ang application form ay maaaring makuha sa OVM, CHO, at St. Vincent Hospital. Para sa katanungan, mangyaring makipag-ugnayan sa OVM sa telepono bilang (02) 645-6407.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply