Hangga’t walang basbas ni PNoy, Chacha di uusad

HINDI lulusot ang charter change (Cha-Cha) sa Kamara kung walang suporta dito si Pangulong Benigno Aquino III.

Ito ang inamin ni House Majority leader at Mandaluyong Congressman Neptali Gonzales II dahil kakaunting panahon na lamang ang nalalabi para sa 15th Congress.

Ani Gonzales, kahit hindi kasama si Pangulong Aquino sa proseso ay siguradong walang gagalaw na kongresista upang mapabilis ang pagsusulong sa chacha.

Bilang pinaka-makapangyarihang opisyal sa bansa ay hindi, aniya, maaaring balewalian ang impluwensya ng pangulo lalo ngayong nalalapit na ang eleksyon.

“Pag walang suporta ang Presidente diyan, di ang hakbang namin (Kamara) ay magiging mabagal at maliliit na hakbang. While strictly speaking and constitutionally speaking, hindi naman kailangan at hindi naman kasama ang Pangulo sa proseso,’ ani Gonzales.

Ang iba pang opsyon, aniya, na maaaring pagdaanan ng cha-cha ay ang isulong ito bilang isang ordinaryong panukala na dadaan sa komite saka aaprubahan sa plenaryo at kapag nakuha nito ang boto na nakasaad sa saligang batas.

“Unlike other bills, hindi mo naman kailangan padala sa Pangulo yan eh para pirmahan ng Presidente. No. We simply endorse it to the Comelec and the Comelec, under the Constitution, is mandated to call a plebiscite for that purpose. Ibig sabihin, hindi mo kailangan talaga ang Pangulo,” paliwanag ni Gonzales.

Subalit may pasubali pa rin si Gonzales dahil sakaling hindi makalusot ang cha-cha ngayong 15th Congress ay malamang hindi rin ito palusutin sa 16th Congress dahil mas aakusahan umano ang pangulo ng pagtatangkang palawigin ang termino nito.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply