Hangga’t walang provocative action, barko ng Pinas di babalik sa Panatag

KAILANGAN munang magkaroon ng provocative action o military action mula sa China bago magdesisyon ang Pilipinas na ibalik ang mga ships nito sa Panatag Shoal.

Sinabi ni Presidential spokesman Edwin Lacierda na nananatili ang posisyon ni Pangulong Benigno Aquino III na wala siyang nakikitang pangangailangan na ibalik ang mga ships ng bansa sa Scarborough Shoal o Panatag Shoal lalo pa’t hindi naman lumala ang sitwasyon doon matapos bumalik ang mga ships ng China sa naturang isla.

“I think it has not worsened. There were instances, for instance, the vessels have withdrawn from Scarborough Shoal. They are back. Obviously, China has not taken any action—provocative action in terms of military action. And so, since there has been no military action, we are always hopeful that a peaceful resolution will be maintained by both parties,” ayon kay Sec. Lacierda.

Ayaw namang mag-komento ng Malakanyang sa ulat na nakatakda nang magpadala ng submarines ang China sa Panatag Shoal sa susunod na taon.

“We don’t know yet if they are traversing in the international waters and obviously there is freedom of navigation in the international waters and no one can stop any country from traversing these waters,” ani Lacierda.

Sa kabilang dako, hindi nag-iisa ang Pilipinas sa hangarin nitong magkaroon ng Code of Conduct sa West Philippine Sea o South China Sea.

Sa harap ito ng kabiguan ng ASEAN na makapaglabas ng joint communiqué kaugnay sa nasabing usapin sa rehiyon.

Sinabi ngayon ni Presidential Spokesman Edwin Lacierda, kabilang sa naglabas ng sentimyento ang Vietnam, Thailand, Singapore at Indonesia.

Ayon kay Lacierda, hindi naman kaawa-awa ang Pilipinas sa ASEAN na mistulang walang kakampi sa kontrobersyal na agawan ng teritoryo lalo sa China.

Kasabay nito, hindi umano patitinag ang Pilipinas sa patuloy na pagbabanta ng pambu-bully ng China.

Inihayag ni Lacierda na magpapatuloy at hindi titiklop ang Pilipinas sa pagtatanggol sa soberenya partikular sa tinaguriang exclusive economic zone (EEZ).

Una nang sinabi ng China na dapat kumalma na lamang ang Pilipinas dahil wala namang military capability.

“We have not used our military force. We have always maintained that the only resolution to this incident is a peaceful solution, a peaceful resolution to the problem. So stand down… by stand down… If you mean stand down, our statements, I think that we will maintain our sovereign rights over our exclusive economic zone. That is something that we will not give up,” ang pahayag ni Sec.Lacierda.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply