Hard core member ng ASG nadakip

ISANG hardcore member ng ekstremistang Abu Sayyaf Group ang nadakip ng pinagsanib na puwersa ng militar at Philippine National police nitong nakalipas na Linggo, sa ulat ng tagapagsalita ng PNP.

Sa impormasyong ibinahagi ni PNP Spokesman at PNP PCR Director P/Chief Supt Agrimero Cruz, Jr, nahulog sa kamay ng mga alagad ng batas si Ustadz Ahmadsali Asmad Badron, alyas Ammad/Hamad Ustadz Idris, sa bisinidad ng isang hotel sa Tawi-Tawi islands.

Si Edris ay sinasabing kabilang sa founding member ng  Al-Qaeda-linked Abu Sayyaf group  ay elemnto ng militar at PNP habang umaaligid aligid sa bisinidasd ng Rachel’s Place Hotel, Brgy Lamion, Bongao, Tawi-Tawi.

Nadakip ito ng mga tauhan ng Philippine Marine Battalion Landing Team 5, Intelligence unit S2 ng Naval Intellignece and Security Group–Western Mindanao, mga elemnto ng  84th PNP SAC, RBD, SPECIAL Action Force, PNP-PCTC, RCIDU-9, Directorate for Integrated Police Office –Western  Mindanao.

Ayon kay Police criminal investigation regional chief Edgar Danao, si Badron ay isa sa mga orihinal na miyembro ng Abu Sayyaf, na itinatag noong 1990s sa pangunguna ni Abdurajak Janjalani at pinaniniwalang pinopondohan ng international terrorist ring na Al-Qaeda na pinamumunuan noon ng napatay na si Osama bin Laden.

“Badron was among the trusted members of (Abu Sayyaf) who made millions of pesos in ransom money collected from their operations,” ani Danao.

Sinasabing si Badron ay sangkot din sa pagkubkob sa mga international terrorist na nagkulubli sa Pilipinas gaya ng kilabot na Jemaah Islamiya.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply