Hari ng kalsada sa CDO

KINILALA ng Shell at ng RACE Motorsports Club ang mga tunay na Hari ng Kalsada sa CDO ilang linggo ang nakakaraan bilang bahagi ng 2012 Shell Rimula Jeepney Kings Challenge.

Itinuturing mang “City of Golden Friendship” ( o Dakbayan sa Bulawanong Panaghigala-ay sa diyalektong Bisaya), mainit ang naging labanan ng mga tsuper ng Cagayan De Oro para sa titulo ng Jeepney King ng CDO.

Si Jerald Dela Cerna ang 2012 Shell Rimula Jeepney King dahil siya ang nakapagtala ng fastest run time sa buong kompetisyon at tumanggap ng P5,000 cash prize at freebies; sa ikalawang pwesto ay si Christopher Rabino na tumanggap ng P3, 000 at sa ikatlo naman ay Cipriano Calamna tumanggap ng P2,000.

Patok na patok naman ang porma ng jeep ng tsuper na Marlon Olarita kaya siya ang nagwagi sa Best Dressed Category.

Ang mga nagregister at lumahok sa nasabing 1-day fun competition ay nakatanggap rin ng freebies at libreng check-up ng kanilang mga jeep, salamat sa mga punong-abala ng 2012 Shell Jeepney Kings Challenge na RACE Motorsports Club at Shell Rimula.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply