Harry Potter, The Beatles bumida sa opening ng London Olympics

HARRY Potter, James Bond, The Beatles at Mr. Bean ang ilan sa mga bumida sa engrandeng opening ceremony ng 2012 Olympic Games na idinadaos ngayon sa London.

Tinatayang mahigit 80,000 manonood ang sumaksi sa opening ceremony kabilang ang mahigit 100 dignitaries

Dakong alas-4:00 ng madaling araw kanina (oras sa Pilipinas) nang umarangkada ang magarbong panimula ng London Olympics.

Daan-daang mga boluntaryo na naka-costume na ibinatay sa mga mahahalagang era ng Britanya ang nag-perform.

Isa sa mga highlight ng opening ang performance ni “Harry Potter” author J.K Rowling at ilan sa mga tampok na karakter sa nobela na sina Lord Voldemort at Mary Poppins.

Hindi naman nagpahuli ang aktor na si Rowan Atkinson a.ka. Mr. Bean na pinatawa ang libu-libong tao sa staduim.

Ipinakita rin ang video ng torch relay na ginawa sa buong United Kingdom at may live shot ng football legend na si David Beckham.

Nagparada ang mga atleta mula sa 205 kasaling bansa na pinangunahan ng Greece habang pinakahuli naman ang host country na Gran Britanya.

Sinalubong ng masigabong palakpakan ang pagpasok ng Olympic flag na pinangunahan ni Muhammad Ali, ang legendary boxer kasama ang ilan pang mga sikat na personalidad.

Lumiwanag naman ang buong Olympic Stadium sa fireworks display kasabay ng opisyal na pagdedeklara ni Queen Elizabeth II na bukas na ang Olympic Games.

Ito na ang ikatlong pagkakataon na nag-host ng Olympic Games ang Gran Britanya, pinakamarami sa kasaysayan.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply