Hataw ang unit dagat, lupa at himpapawid ang Philfleet

ABA! Ano ba ‘to?!

Mukhang hataw talaga ang Philippine Fleet natin at tila napakarami yata ng kanilang mga aktibidad nitong nakaraan at mga susunod na araw.

Talagang masigasig ang ating PhilFleet lalo na’t alam nilang kailangan sila ng ating taumbayan sa lupa, dagat o himpapawid man.

Kamakailan lamang, noong Hulyo 3, 2012, ay dinaos nila ang blessing ng Philippine Fleet Firing Range sa compound ng Naval Special Operations Group.

Sa aking nakita ay totoo palang world class na ang firing range na ito at tamang-tama ang training facility na ito para sa ating Navy Seals dahil doon sa kanilang “home base” nakatayo ang nasabing modernong firing range.

Hooyah! NAVSOG…

—ooo—-

ISANG malugod na pagbati para kay Captain Loumer P. Bernabe ng Service Force sa kanyang matagumpay na pagtatapos ng tungkulin bilang Commanding Officer (CO) ng Presidential Yacht o iyong Barko ng Republika ng Pilipinas “Ang Pangulo.”

Pinalitan siya ni Captain Renato David bilang bagong CO ng Ang Pangulo sa isang Change of Command Ceremony sa barko mismo na pinasinayaan ng Philippine Fleet Commander na si Rear Admiral Jose Luis M Alano.

Congrats, Sir Loumer, for a job well done.

Ang nasabing barko ay nagsisilbing yate ng Pangulo at sa ngayon at nagsisilbi rin bilang floating government center o floating Malacañang saan mang bahagi ng may 7,107 islang bumubuo ng ating bansa.

—ooo—-

MAGKAKAROON naman ng isang benefit blocked-screening ang Naval Air Group (NAG) ng Philippine Fleet para sa pelikulang “Batman – Dark Knight Rises” sa Hulyo 21, 2012 sa Theatre 2 ng SM Mall of Asia.

Ang screening ay itinakda para sa benepisyo ng patuloy na suporta ng NAG sa environmental protection activity sa pamamagitan ng tree planting at pagpapaunlad ng facilities ng mga tauhan ng NAG.

Ito rin ay bahagi ng serye ng selebrasyon kaugnay ng ika-65 na anibersaryo ng NAG sa Ok-tubre 7, 2012.

Para sa mga ticket ay maaring makipagugnayan kay Lt. Rallos (0917-849-1763) at Lt. Tapec (0922-805-2405).

—ooo—-

At syempre, muli akong nananawagan sa lahat ng mga kapatid na nagmamahal sa ating karagatan na ituloy ang suporta para sa malakas at kredableng Navy tungo sa masagana at mapayapang bansa. Kaya natin yan Pinoy!

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply