HDO vs GMA, ipatutupad ng immigration

IPAPATUPAD ng Bureau of Immigration ang ipinalabas na hold departure order ng Sandiganbayan laban kay dating Pangulo at ngayo’y Pampanga Representative Gloria Macapagal-Arroyo.

Ito ay sa kabila ng ginawang pahayag ng kampo ng dating Pangulo na wala itong balak lumabas ng Pilipinas at handing harapin ang mga kasong isinampa ng pamahalaan.

Batay sa impormasyon mula sa kawanihan, nakalagay na ang kopya ng HDO sa mga immigration counter sa arrival area sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) at sa iba pang pambansang paliparan.

Sakaling makita sa mga pambansang paliparan si Ginang Arroyo, hindi ito papayagan ng mga immigration officer na makasakay ng eroplano palabas ng Pilipinas.

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply