Helen Gamboa nahulog sa stage

AGAD isinugod sa pagamutan ang aktres na si Helen Gamboa makaraang mahulog sa stage habang sumasalang sa taping ng teleseryeng “Walang Hanggan.”

“Pagbagsak ko, nasa likod si Tita Helen. Nahulog siya sa stage na una ang balakang, buti na lang nasalo ang kanyang ulo. Nasalo ni Ogie Diaz,” anang kanyang kaeksena na si Richard Gomez.

Sa kasalukuyan ay nasa mabuti nang kalagayan ang aktres.

-000-

May maganda namang balita para sa lahat ng mga mamimili.
Ito ay ang pamimigay ng Walker underwear ng discounts mula 10% hanggang 50% sa lahat ng Walker items hanggang Hulyo 30 ng taong kasalukuyan.

Ang clearance sale ay maa-avail sa lahat ng leading departments stores katulad ng SM, Robinsons, Landmark at iba pa.

loading...

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply