Hepe ng CDO police pinagbibitiw

PINAGBIBITIW sa puwesto ang chief of police sa Cagayan de Oro City kasunod ng serye ng holdapan na nagaganap sa lungsod.

Ayon sa mga residente, “sablay” ang ginagawang panunungkulan at kailangang magbitiw na lamang sa puwesto si Col. Gerry Rosales, ang city police director ng Cagayan de Oro City Police Office (COCPO).

Sinabi ni Councilor Edgar Cabanlas na ang walang tigil na holdapan ay command responsibility ng police director.

Dapat umanong nagsagawa ng mga plano ang COCPO kung papaano mapipigilan ang panghoholdap sa mga establisimyento sa lungsod.

Nakita ng ilang mga opisyal na napaka-relax ng mga police habang labas-pasok lamang umano ang mga criminal sa lungsod.

Maliban umano sa loose na crime prevention, ilan lang ang mga krimen na nasosolusyunan ng mga police sa lungsod.

Dahil dito, nakatakdang ipatawag ng Sanguniang Panglungsod ang director upang ito’y mapasagot sa mga nangyayaring holdapan.

Sinisingil din ng mga opposition councilors si Mayor Vicente Emano kung nasaan na ang intelligence fund na aabot umano sa P1 milyon.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply