Pulis sa La Union, 6 buwan suspendido

LA UNION – Isang preventive suspension ang ipanataw sa isang hepe ng pulis sa La Union matapos itong umano’y akusahan ng panggagahasa sa isang lady detainee sa nasabing lugar.

Ayon a report, anim na buwang preventive suspension ang ipinataw kay Pugo Municipal police station Sr. Inspector Jessie Quisada ni Philippine National Police Regional Office-1 Chief Supt. Frankin Bucayo.

Sinabi ni Bucayo na mabigat ang paratang na binitawan ng biktima laban sa hepe ng pulis kaya pinatawan ito ang preventive suspension.

Sa inisyal na report, naganap umano ang panghahalay sa biktima sa mismong himpilan ng pulisya kung saan hepe ang suspek.

Sa kasalukuyan, hawak na ng Women and Children’s Protection Desk ng La Union Police Provincial Office ang detainee na nagsampa ng reklamo.

Nakulong ang detainee dahil sa kasong illegal drugs.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply