High powered firearms nasamsam sa ASG

NABAWI ng militar ang matataas na kalibre ng armas matapos ang sagupaan sa panig ng miyembro ng bandidong Abusayaff sa Barangay Sapah Bulak at Brgy. Upper Cabeng beng, Sumisip Basilan.

Ayon kay Phil. Army Spokeman Major Harol Cabunoc, ang insidente ay naganap 1:55 kahapon ng hapon nang mamataan ng tropa ng mga sundalo ang mga miyembro ng bandidong grupo na naglalakad hanggang sa nagsimula ang putukan na tumagal ng tatlumpung minuto.

Kinilala ang 3 lider ng mga bandidong Abusayaff na nakasagupa ng militar na sina Kirun Tampuri Botong Aliman at Ahmad Aliman.

Nakuha sa pinangyarihan ng sagupaan ang 3 matataas na kalibre ng armas na mula sa mga bandido kabilang na ang M16 at isang US M1 garand.

Sa ngayon ay nagbigay na ng direktiba si Col Arthur Ang, ang commander ng 104th brigade sa Special Operation Task Force na magsagawa ng pursuit operation laban sa mga nakasagupang rebelde.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply