Hindi lang si Pacman ang bida sa Gensan

ANG hometown ng Pambansang Kamao ay dinayo ng RACE Motorsports Club at Shell Advance team parasa GenSan round ng 2012 Shell Advance Underbone King Challenge.

Pinatunayan ng mga GenSan riders na hindi lamang si Pacquiao at boxing ang naghahari doon.

Ang rider na si Ricardo Bazar ay nanguna sa time trials at obstacle course sa oras niyang 76.87s, na sinundan naman ni Mark Arthur Teves (119.54s), at ni Acuesta Destry (120.35s).

Nanguna naman sa pinakamagarbong disenyo ang mga motorsiklo ng Li brothers na sina Hentjie Li at Herman Li, kung saan ang kay Hentjie ang tinanghal na Best Dressed Motorcycle para sa Open category. Ang motorsiklo ni Rey Roman naman ay nakapasok pa sa ikatlong pwesto.

Second time’s a charm para naman sa rider na si Teves siya muli ang nakakuha ng ikalawang pwesto sa  Best Dressed para sa Stock categoryhabang si Casimiro Uy naman ang nakatanggap ng 1st place cash prize na P2,000.

Ang mga nagwagi ay nakatanggap rin ng libreng Shell Advance oil, jacket at iba pang freebies.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply