Hindi nasalo ng kagrupo: Dancer comatose

COMATOSE ngayon sa Eastern Visayas Regional Medical Center (EVRMC) ang isang dancer matapos hindi masalo ng kagrupo nito at mauntog sa semento ang kanyang ulo sa sinalihang dance competition sa Apitong, Tacloban City kagabi.

Nabatid na miyembro ng isang grupo ng dancers ang pasyente na kinilala lang sa pangalang Robert, 25, binata, at residente ng Anibong, Tacloban.

Sinasabing bilang bahagi ng kanilang routine dance ay inihagis ito sa ere ng mga kagrupo subalit hindi ito nasalo ng mga kasama at bumagsak sa sementadong sahig.

Kasalukuyan pa ring nasa kritikal na kondisyon ang biktima simula nang isugod ito sa naturang ospital bandang bandang alas-10:00 kagabi.

Hinihinalang nagkaroon ito ng  internal hemorrhage dahil walang dugong lumabas sa ulo nito sa kabila ng lakas ng pagkakamumpog nito sa semento.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply