Hiniwalayan na naman: Female TV personality dudang-duda na sa kabadingan ng papang actor

PANG third time na yatang hiwalayan ang nangyari recently lang sa pagitan ng sikat na female TV personality at sikat pa rin namang actor na marami ng anak. Well, kaya urung-sulong na ang magandang personalidad na napanonood gabi-gabi sa isang top-rater news program sa nakarelasyong papang actor ay dahil dudang-duda na siya sa pagkalalaki nito.

Hay naku, Teh! Bakit ngayon mo lang kasi naamoy eh ang tagal-tagal ng kalat sa showbiz ang pagkasilahista ng actor na ‘yan na mahusay umarte?

Hindi ba’t a couple months ago ay nabalita na noong magbakasyon ‘yan sa Tate ay may kinatagpo siya roong macho waiter sa favorite na coffee shop sa tinuluyang hotel?

Kaso mo nag-day-off ang pantasyang guy kaya ang ending, binaling na lang nito sa iba ang kanyang kalandian.

Naugnay rin si nasabing actor sa ex ng character actress na nakakontrata sa GMA7 na hunk model-actor na husband naman ngayon ng beauty queen actress-turned personal make-up artist. And my BFFT Pete knows this pretty well.

Ang bayot ay bayot gyud!

***

Mga beki may kanya-kanyang manok sa Mr. Pogi 2012 sa Eat Bulaga

LALO pang naragdagan ang mahabang pila araw-araw sa Broadway Centrum na gustong mapanood ng live ang favorite nilang noontime show na Eat Bulaga. ‘Yung iba talaga dahil sa rami nila ay hindi na ma-accommodate lahat sa Broadway Studio lalo na kapag araw ng Sabado.

Kaya naman lalong dinudumog ng audience ang programa ay dahil sa mga beking naglipana mula sa iba’t ibang lugar na may kanya-kanyang manok sa Mr. Pogi 2012. Hindi natin sila masisi dahil artistahin talaga ang lahat ng mga contestant dito na nagpapaligsahan daily.

Total package ang criteria ng judging rito. Bale 30% para sa “nakakikilig na looks”, 30% for “nakalolokang talents” at para naman sa “pang artistang diskarte” ay 40%, for a total of 100%.

Isasalang sa comedy skit ang mga kalahok kung saan maka-eeksena nila ang mga EB Dabarkads na sina Allan K, Ruby Rodriguez, Julia Clarete etc.

Kung sino ang may pinakamahusay na acting ay siya ang makakukuha siyempre ng mataas na puntos at puwedeng tanghaling daily winner kung saan makatatanggap ng P20,000 cash at P5,000 each naman para sa mga tinalo nito.

***

MALI po ang nasulat namin rito sa aming “Walang Kiyeme” kolum para sa title ng teleserye nina Iza Calzado at Gabby Concepcion. Hindi “Kapag Puso’y Sinugatan” kundi “Kahit Puso’y Masugatan” at kasalukuyan na itong ume-ere ngayon sa Kapamilya Network pagkatapos ng Lorenzo’s Time.

Ang amin pong paumanhin. Maraming salamat!

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply