Hog raisers ‘di dapat mangamba

HINDI raw dapat mangamba ang hog raising industry dahil tumutulong ang Bueau of Customs para mare-solba ang suliranin sa pag-angkat ng karne sa ibang bansa.

Ito ang pagtitiyak sa Chokepoint ni Department of Agriculture Asistant Sec. Divinio Catbagan sa umiinit na isyu ng meat importation.

Nilinaw din ng DA official na taliwas sa ipinagkakalat ng ilang hog raisers, ‘di nalulugi ang hog raising business, ayon sa kanilang monitoring. Ang umano’y sinasabing ugat ng pagkalugi ng negosyong hog raising ay ang ‘di maawat-awat na pag-iimporta ng karne mula sa ibang bansa.

Ikinuwento ni Catbagan na ang local pork market ay ‘di naapektuhan dahil ang pinararating sa bansa ay yaong mga taba at balat lang ng baboy.

Ang mga  taba at balat ng baboy mula sa ibang bansa ay ginagamit daw bilang sahog sa mga nabibilig processed products sa tindahan.

Ipinapatupad ng BOC ang  DA measure na gamiting reference value ang 1.97US$ per kilo sa pagdedetermina ng duties sa meat importation, ayon kay Catbagan.

Ito ‘yung nais ng local hog raisers. Kung ang pork importations ay dumaraan sa tamang pagsingil ng buwis, magkakaroon sila ng magandang kompetensiya laban sa imported meat products, pahayag pa ng DA official.

E kasi nga naman, kung nakaliligtas sa pagsingil sa tamang buwis ang mga imported meat, sa mababang halaga lang ito naibebenta sa mga pamilihan. Aangal nga talaga ang mga nasa local pork market.

Kaya naman sobra ang pasasalamat ng DA kay Customs Commissioner Ruffy Biazon dahil ang ginagawa nito ay malaking tulong sa hog raising industry at pati sa mga magbababoy sa mga palengke.

STL-CON-TENGWE SA BATANGAS

Ang akala natin, patay na ang jueteng diyan sa Batangas, pero hindi pala dahil may pasobrang bola ang STL para sa jueteng.

Sa STL guidelines, dalawang beses lamang ang  bola ng STL – 11:00 am at 4:30 pm kada araw, pero sa Batangas may 9:00 pm pang pabola.

Ang 9:00 pm na bola ng STL ay ginagamit daw ng mga jueteng lord. Sa bayan ng Calaca ay ganito ang modus operandi ni Gatdula, ni Gerry A. sa Ibaan at marami pang jueteng lord, ayon sa ulat na pina-rating sa Chokepoint.

Magaling talaga ang mga GL, nakagagawa ng paraan kumita lamang, kasama na ang kanilang mga protector.

Col. Rosauro Acio, sir…ano ba yan? Abangan.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply