Holdaper nanlaban, tumimbuwang

BUMULAGTA sa kalye ang isang hinihinalang holdaper, matapos makipagpalitan ng putok sa mga tauhan ng Manila Police District (MPD) nang holdapin ang isang babae sa Tondo, Maynila kagabi.

Inilarawan ang napatay na nasa edad 30-35 anyos, may taas na 5’7, nakasuot ng kulay puting T-shirt at maong na pantaloon.

Nagtamo ng mga tama ng bala sa katawan mula sa baril nina PO2 Arjay Tapispisan at PO1 Mark Joseph Vergara, kapwa nakatalaga sa Motorized Anti Street Crime ng MPD-Morinoes Police Station 2.

Batay sa ulat na isinumite ni Det. Charles John Duran kay P/Sr.Insp. Joselito de Ocampo, hepe ng  MPD-Crime Against Persons Investigation section, dakong 11:15 kagabi nang maganap ang insidente sa panulukan ng Jose Abad Santos Avenue at Mayhaligue St., sakop ng Tondo.

Bago umano ang nasabing palitan ng putok sa pagitan ng biktima at ng mga tauhan ni P.Supt. Ernesto Tendero Jr., naglalakad ang isang Rose Prima, 24, isang manikurista ng Infanta St., sa Tondo, nang tutukan ito ng baril at magdeklarang holdap.

Nakulimbat sa babae ang kanyang shoulder bag na naglalaman ng cellphone at P450 cash.

Tiyempo namang nagsasagawa ng routine inspection sina PO2 Tapispisan at PO1 Vergara, kaya nakahingi ang biktima ng tulong at nagkaroon ng palitan ng putok, hanggang sa bumulagta ang holdaper.

“Gusto nga naming makuha siya ng buhay, para maisuko naming siya at masampahan ng kaso, pero nagulat kami ng magbunot ito ng baril saka kami pinaputukan, dito na kami gumanti ng putok at nakita na namain siyang bumulagta.” ayon sa isa sa rumespondeng pulis.

Narekober sa lugar ang bag ng biktima.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply