Holdaper utas sa engkwentro, 2 nakatakas

TUMIMBUWANG ang isa sa tatlong holdaper nang makaengkwentro ng mga tauhan ng Manila police matapos mangholdap ang mga ito sa Sta. Cruz, Maynila, kaninang madaling araw.

Inilalarawan ang holdaper nasa edad 25 hanggang 30, may taas na 5’5, regular built, tadtad ng tattoo ang buong katawan at armado umano ng kalibre 38 na armscor.

Batay sa ulat na isinumite ni Det. Edmundo Cabal kay P/Sr.Insp. Joselito de Ocampo, hepe ng MPD-Crime Against Persons Investigation Section dakong 2:00 ng madaling araw nang maganap ang engkwentro sa panulukan ng Tayuman at Apitong sts., sakop ng Sta. Cruz.

Bago ang nasabing insidente, nagpapatrulya sina SPO3 Rowel Robles, SPO3 Anthony Carpio, SPO1 Roderick delos Santos at PO2 Generoso Fabe, pawang mga tauhan ng MPD-Anti-Crime Unit, nang mamataan ang dalawang biktima ng holdap na sina Princess Garcia at Adreni Serame,.

Agad na nagkasa ng operasyon ang mga pulis sa pangunguna ni SPO3 Robles at nang maispatan ang mga suspek ay pinaputukan sila ng mga ito hanggang sa magkapalitan na ng putok na nagresulta sa pagkamatay ng isa sa mga holdaper habang nakatakas naman ang kasamahan nito.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply