Hong Kong hinagupit ng matinding bagyo

NARARANASAN ngayon ng Hong Kong ang sinasabing pinakamalakas na bagyong tumama sa naturang bansa sa nakalipas na 13 taon na may hurricane signal no. 10

Nabatid na inilagay na ng Hong Kong Observatory sa pinakamataas na hurricane signal na no. 10 ang Typhoon Vicente habang palapit pa lamang ito sa lugar.

Sinasabing kapag itinaas na ang signal no. 10 pumapalo ang hangin nito sa 118 kilometro kada oras o higit pa ang bagyo.

Dahil dito, pinayuhan na ang lahat ng mga mamamayan sa Hong Kong na huwag nang lumabas sa kanilang bahay dahil sa malakas na hanging dala ng Typhoon Vicente.

Una nang napaulat na mahigit 50 na ang nasaktan habang mahigit 400 na puno na ang nabunot at natumba dahil sa pananalasa ng bagyo.

Libo-libong pasahero rin ang stranded sa mga bus at ferry terminal habang nakansela o na-delay ang maraming flights.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply