Hot TV, Naiiba!

NAIIBANG bakla role ni Eddie Garcia sa Bwakaw movie niya na kalahok ngayon sa Cinemalaya na idinirek ni Jun Lana. Kasi, siya馳 retired na disenteng gay. Di rin siya buking dahil nakapag-girlfriend pa siya. Di lang niya pinakasalan ito.

Last Monday night sa CCP Main Theater nagkaroon ng gala night na pinanood ng malalaking pangalan sa showbiz. Imagine nakita naming in full force na dumating ang big bosses ng GMA7 at TV5. Kasi, ang Bwakaw ay produced ng APT Productions ni Antonio P. Tuviera, ang producer rin ng Eat Bulaga ng GMA 7.

Ang production din ni Mr. Tuviera ay gumawa ng top rating at longest running soap ng TV5, ang Valiente, kaya di kataka-takang andoon rin sa gala night ang malalaking artista ng TV5 na sina Eula Caballero at Ritz Azul. Dumating din si Bebe Gandanghari, na lumalabas sa bagong soap ng TV5, ang Enchanted Garden.

Maraming nanood ng movie ni Jun Lana dahil very contemporary ang istorya ng Bwakaw. Ipinakita rito ang buhay ng matandang binata na ang kasama lang ay kanyang aso na pinangalanan niyang Bwakaw. Ibig sabihin ay sobrang takaw. Napulot lang ni Eddie ang aso at dinala sa kanilang bahay. Sobrang takaw nang pinakain niya.

Isang comedy ang movie na tungkol sa tagong bakla na laging sinusundan ng mga ladlad na bakla at laging inaasar ng mga ito. Pero naging kaibigan niya ang isa rito na role ni Soxy Topacio.

Ayon sa production manager ng APT na si Rams David, kinunan ang indie film na Bwakaw ng 10 days sa San Pablo at Dolores, Quezon. Kaya nakapakaganda ng background ng istorya  na tumatalakay sa buhay ng isang retiree na nabubuhay sa probinsiya.

Hinuhulaang magiging successful din ang Bwakaw tulad ng Zombadings na pinagkaguluhan last year sa Cinemalaya.

000

BINAGO ng GMA7 ang kanilang Sunday magazine talkshow via Hot TV dahil di lang pangshowbiz ang kanilang pag-uusapan tuwing Sunday afternoon. Ang dating Showbiz Central ay mamahinga na. Huling airing nila sa Sunday, July 29.

Bagong hosts ang bubulaga sa Hot TV dahil andito na sina Regine Velasquez at Roderick Paulate plus ang dating taga-Showbiz Central na sina Raymondon Gutierrez at Jennylyn Mercado.

Ayon sa program manager ng Hot TV na si Ms. Enry Calaycay, ayaw na nilang total showbiz talkshow ang Hot TV. Kasi, ano pa ba ang bagong tatalakayin nila tuwing Sunday dahil andyan na ang Twitter at Facebook na nalalaman agad sa showbiz world ang nangyayarin ngayon.

Nag-isip sila ng ibang magazine show na tumatalakay sa ibang topic naman na puede ring magka-interes ang mga kalalakihan. Di naman mahilig ang mga lalaki sa tsismis.

Kaya may apat silang iba’t ibang topic tuwing Sunday! Pang showbiz host si Jennylyn, pang-lifestyle ni Raymond, si Roderick naman ay mga kababalaghang nangyayari sa tao at si Regine ay ang unusual na istorya ang kanyang tatalakayin. Kaya hindi lang showbiz personality ang pag-uusapan sa show.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply