HOT TV papalit sa Showbiz Central

NABABALITANG mgasisimula na sa August 5 ang kakaibang showbiz program ng GMA7 na sinasabing papalit sa Showbiz Central tuwing Sunday afternoon.

Talagang kakaiba ang HOT TV na iho-host ni Asia’s Songbird Regine Velasquez-Alcasid dahil hindi lamang hot na hot na showbiz-related news ang kanilang ibabalit kundi maging ang mga kakaibang human interest story ng mga ordinaryong pipol ay kanilang isi-share sa mga Kapuso viewer.

Ibabahagi rin ng programa kung ano-ano ang mga “trend” o nauuso sa kasalukuyan.

Makakasama ni Regine sa HOT TV ang mahusay na komedyante na si Roderick Paulate at ang dalawang host ng sisibaking Showbiz Central na sina Jennylyn Mercado at Raymond Gutierrez.

Abangan kung papatok ito!

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply