Hulidaper; mag-uuling; at problema sa marines, daan

BIGYAN naman po natin ng pagkakataon ang ating mga masugid na mambabasa na maihayag nila ang kanilang mga kaisipan, damdamin, hinaing, kahilingan at mungkahi ungas na BPLO.

Sir Benny, good am po. Dito po sa Las Piñas city hall,  walanghiya po ‘yung mga taga-Business Permit and Licensing Office, lalo na po ‘yung babae na nakasalamin.

Nang mag-renew po ng business permit ‘yung tita ko, bukod sa penalty ay dinaragdagan pa nila ‘yung gross income niya para malaki ang bayaran niya sa pagkuha ng business permit.

Okay lang po ‘yung penalty.

Ang masama po ‘yung pinapatong nilang income niya kahit hindi naman niya kinita. May dala na nga siyang mga requirement na hinihingi nila tapos gano’n pa ang ginagawa nila. Paki-kalampag po naman ‘yung taga-city hall.   +63922249….

HULIDAPER

Sana po maawa na ang mga pulis na nanghulidap sa anak ng bingi. Ibalik ang pera ng anak niya kasi kailangan daw ng pamilya. May mga sakit ang mga anak  niya. Dito po nangyari sa San Narciso, Zambales iyon. God bless po. More power. Thanks.   Concerned citizen. +63946171….

HOLDAPER PA NA PULIS

Good day po. ‘Di po ba ang pulis ay dapat lamang manghuli at mag-imbestiga? Kasi po, ‘yung kaibigan ko, hinuli ang anak at kinuha ang cellphone at pitaka raw nito na may lamang 750 pesos para ipadala sa pamilya. Ngunit nasama sa paghuli. Ngayon po ay kinukuha ng ama ang cp at ang walet ng kanyang anak ngunit pinababalik-balik lang siya hanggang ngayon. Sabi ng ama, noong na sa police pa siya,  ‘di naman daw ganun. Ngayon daw po ba ay hol-daper na ang mga pulis? Concerned citizen lang po. +63946171….

SONA AT LANDSLIDE

Good am, sir. Sa nalalapit na State of the Nation Address, sana banggitin ni Pangulong Noynoy ang plano ng gobyerno ukol sa mabisang paraan para maiwasan ang mga pagbaha at pagguho ng lupa sa maraming bahagi ng bansa.

Gaya sana ang paraan sa pagsugpo ng malawak na pagbaha ng kape at bottled water sa PAGCOR! +63919491….

PROBLEMA NATUGUNAN

Sir, sumulat na po ako before sa inyo tungkol sa daan namin na binabaha dito sa 1st. Ave, (paliko) Del Pilar, San Fernando, Pampanga.

Gusto ko pong magpasalamat sa mahal naming si Vice Mayor Edwin Santiago. Siya po ang tumugon sa problema namin.

Nagbigay siya ng 500 sako ng semento at dalawang trak na panambak. Ginawa namin ang tulay. Ang barangay captain at kagawad namin ay walang kwenta. Thanks!  +63999443….

KALIKASAN GIBA SA CAM. NORTE

Ang Camarines Norte ay mayaman sa ginto, silver at iron ore. Matagal ko nang  nai-text sa inyo nang hindi pa kayo presidente ng National Press Club. Naglipana ang mga Chinese national na sabi ay investor ng aming gobernador na si Tallado.  Mga Chinese national ang nagmimina ngunit pinalalabas niya na Pinoy. Pinoy ang naka-front pero Tsekwa ang financier. Giba na ang kalikasan namin.

Kita mo, wala na si Police Provincial Director Esquivel dahil sila raw ang nagbebenta ng paputok at asoge. Matagal nang issue ito kaya dapat imbestigahan si gobernador. (Thanks sa issue ng Remate 7-4-12 page 3. Thanks! Doc C. po.      +63946843….

KALOKOHAN SA DSWD

Good am, Ka Benny. Bakit  po ‘di pantay ang trato ng DSWD sa mahihirap.

Tungkol sa programa nila lalo na ang tinatawag na “4Ps”. Nag-interview sila kada barangay tapos papupuntahin po kami sa munisipyo nang pabalik-balik.

‘Di naman pala kami makakasama sa programang yan. Sayang ang pagod namin. Sana mabasa nila ito.   Rose Buenaobra, ng Malinao, Albay. +63949395….

GUBAT KINAKALBO SA QUEZON

Dito sa amin, ang mga mag-uuling ay walang tigil sa paghakot sa parteng Quezon province. Malalaking truck ang naghahakot at ‘di napipigil.

Naglalagay raw sa check- point at taga-Department of Environment and Natural Resources ang mga driver at pahinante. May dalang perang panlagay ang mga ito.

Kaya pala baha ang resulta mula sa kalbo nang bundok.

Sa kalagitnaan  pinuputol ang mga puno para ‘di mahalata at doon din ginagawa ang uling kaya baha ang re-sulta. Concerned citizen. +63906372….

WALANG PULIS, WALANG ILAW

Gud am, Sir Benny. Maraming salamat po uli sa inyong pagtulong sa amin, lalo na sa aming marines at sa wakas narinig din kami ng pamunuan ng navy at AFP. Tungkol ito sa differential ng promotion namin na naibigay na nila pero pakunti-kunti.

Ang hiling namin sana, maibigay na sa amin ang sampung buwan na differential  at pinipili lang nila ang binibigyan.

At, sir, ang differential ng 2010 December ay ‘di pa nila naibigay. Matagal na panahon na po kaming nag-aantay at nanawagan kami uli sa pamunuan ng AFP, sa pamumuno ni Sir Delosa.

Sir, pakiaksyunan mo ang problema namin sa Marines. Parang nagbibingi-bingihan naman ang Finance ng Navy. Pati instructor pay ‘di pa naibigay. Paki naman, sir.

Maraming salamat uli sa inyo, Sir Benny at sa inyong pagtulong sa amin at sa pamunuan ng Remate.

Mabuhay kayo at sa inyong malayang pamamahayag. Huwag n’yo pong ilagay ang number ko. Galit na sila sa amin sa kanilang kapalpakan at panloloko sa enlisted men.

oOo

KASAYSAYAN SA PINAS

Karaniwang ang mga mahihirap ang nabibitay at bibihira ang mga mayayaman na napaparusahan nito, sabi.

Ito’y dahil sa kayang gumastos umano ang mga mayayaman para malibre sila sa mga karumal-dumal na krimeng kinasasangkutan nila.

Sa kabilang banda, nakitaan na rin ang Pinas ng matapat na pagpapairal ng katarungan gaya ng nangyaring pagbitay sa mga sangkot sa Maggie dela Riva case.

Maaaring ibalik ng mga hukuman ang kanilang katapatan sa pantay na pag-uusig at batas.

Ang lalabanan nga lang natin ay ang pagtutol ng mga korap, mandarambong at abusado sa kapangyarihan na siyang tunay na tumutol sa parusang bitay upang hindi sila matamaan.

At ang mamamayan pa ang isinasangkalan nila para sa “makataong” pagtrato umano sa mga nagkakasala sa mga krimeng may parusang bitay.

KABABAAN NG LOOB

Ang magandang gawin ng mga naulila ni Dolphy ay tanggapin nang may mababang loob ang mga parangal at pakikiisa ng mga nakikiramay at fans ng idol ng bayan at ipagpatuloy ang mga nasimulan niyang makatao at magagandang gawain.

Goodbye, Kuya Dolphy!

oOo

Anomang reklamo o puna ay maaaring mag-text o tumawag sa 09214303333.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply