Human rights group umalma sa malaking AFP funds

HINDI pabor ang human rights group na Karapatan sa pagbibigay ni Pangulong Benigno Aquino III ng pinakamalaking alokasyon para sa programa sa modernisasyon ng Armed Forces of the Philippines (AFP) sa kabila ng mga papuri namang natatanggap ng punong ehekutibo sa hanay ng ating sandatahang lakas.

“This is where the people’s taxes go—to buy arms and ammunition to protect the interests of big business and landlords and against innocent civilians and those who defend their lives and livelihood,” sabi naman ni Cristina Palabay, tagapagsalita ng Karapatan.

Naniniwala si Palabay na ang hakbang na ito ni Pangulong Aquino ay magreresulta lamang sa paglala ng sitwasyon ng paglabag sa karapatang-pantao sa bansa lalo pa’t patuloy ang militarisasyon sa napakaraming komunidad sa lalawigan ng Quezon.

Aniya, palalakasin lamang ng P16.8 bilyong suportang pondo ni Pangulong Aquino ang kapabilidad ng AFP na ipatupad ang Oplan Bayanihan at magsagawa ng puspusang operasyong militar sa kanayunan; pagbomba at pag-atake sa mga komunidad ng magsasaka at katutubo; pananakot at intimidasyon sa ordinaryong mga sibilyan; at sa pagsasagawa ng psywar operations sa anyo ng kunwari’y “peace and development projects”.

“Oplan Bayanihan has now found its way to, and in full implementation at, the Bondoc Peninsula in Quezon where eight battalions of the Philippine Army are deployed,” dagdag pa ni Palabay.

Sinabi pa ng tagapagsalita ng Karapatan na mas marami pa umanong nakatalagang militar ngayon sa Bondoc Peninsula na hindi pa nangyari sa bansa kahit noong panahon na nasa ilalim tayo ng martial law.

“Bondoc Peninsula is Quezon‘s agricultural center and hacienda belt. The area is rich in mineral resources targeted as potential area for Aquino’s showcase program, the Public-Private Partnership known to have caused displacement of thousands of people in the urban and rural areas,” ayon pa kay Palabay.

Hinihinala ng grupo na ang pagtutok ng militar sa Bondoc Peninsula ay paghahanda sa posibleng pag-alma ng mga magsasaka sa lugar na maaring mapalayas para mapagbigyan ang pagpasok ng mga malalaking negosyante at protektahan naman ang mga naroroon na sa kasalukuyan.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply