Hustisya para sa Pantranco workers

MAILAP ang hustisya pero makalipas ang tatlumpong taon ay mukhang makakamit na ng mga manggagawa ng nagsarang Pantranco ang kanilang kinamimithing tagumpay at
hustisya.

Noong May 12, 2012 kasi ay nagpasya na ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na isauli na sa mga worker nito na ka-ramihan ay mga patay na o kaya ay mahina na ang katawan ang franchise ng Pantranco.

Okay na sana, pero nag petition kay Transportation Secretary Mar Roxas ang mga dambuhalang bus company na baliwalain ang decision ng LTFRB. Ang mga lumapit kay Roxas ay ang Saulog Bus Lines, Partas at Dagupan Lines at agad namang sinang-ayunan ni Mar.

Kawawang mga trabahador ng Pantranco. Naging biktima sila ng politics. Ang Pantranco ay na-sequester ng Cory government sa hinalang ang bus company na ito ay galing sa nakaw na yaman ni dating pangulong Ferdinand Marcos.

At nag-umpisa na ang paglubog ng Pantranco.  Nagkautang-utang na ang Pantranco sa pamamahala ng Presidential Commission on Good Government (PCGG) at na-foreclose ang kompanya.

Nagkaroon ng rehabilitation program ang gobyerno pero tinanggal ang 1,500 workers nito.

Hindi binayaran ang suweldo at mga separation benefit.

Nakarating ang kaso sa Court of Appeals and finally sa Supreme Court. Noong 2005, ang sabi ng Supreme Court ay dapat bayaran ang mga obrero ng P722.7 million dahil sa danyos.

Pero nailit na ang mga real estate ng Pantranco ng mga bangko. Paano na ngayon ang workers? Tumakbo sila sa LTFRB at after many long years ay nagdesisyon finally ang LTFRB.

Isang auction ang naganap at ang mga worker – ang  Pantranco Employees Association (PEA) at Pantranco Retrenched Employees Association (PANREA) ay ipinagbili nila ang kanilang franchise sa Victory Liner, Pangasinan Five Star, Bataan Transit at Cisco.

Ayos na sana, justice prevailed, pero nakialam si Mar. Iligal daw ang desisyon ng LTFRB. At nakialam na naman ang mga pulitiko.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply