‘I like Pedro’, inilunsad para makilala ang ika-2 Santong Pinoy

INILUNSAD ng isang grupo ang ‘I Like Pedro Week’ campaign ngayon upang makilala ng mga mamamayan si Blessed Pedro Calungsod.

Ito’y kasunod na rin nang nakatakdang canonization kay Calungsod sa Oktubre 21 upang maging ganap siyang santo.

Ayon kay Clarke Nebrao, ng +Big Movement, ang “I Like Pedro Week” na nagsimula na nitong Linggo at tatagal hanggang Hulyo 13.

Layunin, aniya, nitong makilala ng lahat kung sino nga ba si Calungsod, na isasalang na sa canonization ng Vatican upang kilalaning ikalawang santong Pinoy.

“We have a friend who did a random survey in the A & B class in our society; it was found out that only about 23 percent know about Pedro in Metro Manila.

Now, for classes C, D, E, F crowds, it just goes down to 17 percent who know about him,” ayon kay Nebrao. Kasabay nito, inilunsad rin ng grupo ang isang facebook page para kay Calungsod.

“We would like to really pull all the network of the Catholic Church in putting a face to Pedro. With this, we are aiming to accomplish 100,000 likes for the Saint Pedro Calungsod facebook page,” dagdag pa ni Nebrao.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply