Iba’t ibang protesta vs SONA, sinimulan na sa Timog Katagalugan

CALAMBA, Laguna – Sinimulan na ng iba’t ibang grupo ang pagpoprotesta sa Timog-Katagalugan upang maipaabot ang kanilang mga hinaing sa darating na State of The Nation Adress ni Pangulong Benigno Aquino.

Ang mga kababaihan sa Cavite at Rizal sa pamumuno ng Gabriela-Southern Tagalog ay naglunsad ng mga kilos-protesta upang singilin si Aquno sa hindi mapigilang pagtaas ng mga bilihin.

Samantala, ang mga estudyante at kaguruan ng Unibersidad ng Pilipinas Los Banos sa pamumuno ng Save Bondoc Peninsula Movement (SBPM) ay naglulunsad ng isang Cultural Night upang tutulan ang dumaraming kaso ng paglabag sa karapatang-pantao.

Ang SBPM ay “magpapatuloy na maglulunsad ng mga educational activities at mga pagpoprotesta laban sa polisiya ng mga gobyerno kung patuloy nitong sinasagka ang interes ng mga mamamayan katulad  ng Oplan Bayanihan at Mining Act of 1995 at ang Executive Order 79 na lalo lang na nakakasira sa kapaligiran.”

Mula ngayon, nagtayo ang mga manggagawa sa pamumuno ng Pamantik-Kilusang Mayo Uno ng mga protest camp sa Calamba, Laguna at Sta. Rosa, Laguna at nagtalakay ng kanilang mga isyu sa pagawaan.

Sa isang statement, sinabi ng grupo na, “makatarungan ang maghimagsik, pagkat isinasawalambahala na lamang ng administrasyon ang pangangailangan ng mga mamamayan nito at pinapanigan ang mga dayuhang kapitalista.”

Ang mga protestang ito na nagaganap ilang araw bago ang SONA ay nagpapatunay lamang na hindi na maitatago ang diskuntento ng mga mamamayan, partikular sa Timog-Katagalugan, sa administrasyong Aquino.” Sabi ni XL Fuentes, Secretary-General ng Bayan-ST.

“Dahil dito, inaasahang dadagsa ang libo-libong mamamayan mula sa Timog-Katagalugan sa SONA ni Aquino upang lumahok sa tatlong-araw na Lakbayan mula Hulyo 21-23.

Ang Lakbayan ay naglalayong iparating sa pangulo ang tunay na kalagayan ng mga mamamayan nito na tiyak pagtatakpan muli sa kanyang SONA,” sabi ni Fuentes.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply