IFJ, nababahala sa pagbabanta sa 4 mamamahayag sa Mindanao

NABABAHALA ngayon ng International media group sa kaligtasang ng apat na mamamahayag sa Mindanao matapos makatanggap ng mga pagbabanta ng paglikida.

Ayon sa International Federation of Journalists (IFJ) nababahala sila ngayon sa kaligtasan ng mga komentaristang sina Sasie Babar at Geery Campos kapwa ng RMN-dxBC 693 AM radio station na nakabase sa Butuan City.

Napag-alaman na sina Babar at Campos kapwa anchor ng programang “Straight to the Point,”  ay nakatanggap ng text messages noong  June 18 kaugnay sa kanilang komentaryo tungkol sa illegal logging operations sa Caraga region.

“Prepare your coffins, this is from Cabantian. If you try to intervene with Edma (referring to businessman Roger Edma) your birthday will really change,” ito ang nakasaad sa text messages ayon sa IFJ.

Samantala, nakatanggap din ng text message si Edwin Iyo, at Ben Serrano correspondent ng  Mindanao Gold Star Daily sa Cagayan de Oro City,  matapos na hilingin nila sa Department of Interior and Local Government na kasuhan ang negosyanteng si Roger Edma sa DILG.

Kasama ring nakatanggap ng kahalintulad na pagbabanta ang editor nilang si Edilberto Gomez at publisher na si Ernesto Chu kung saan nakasaad na ipapakain umano silang dalawa sa buwaya.

Kaugnay nito, nanawagan ang IFJ sa pamamagitan ng National Union of Journalists of the Philippines sa awtoridad na agad gumawa ng hakbang at imbestigahan ang mga naturang pagbabanta at hulihin ang mga may gawa at tiyakin ang seguridad ng mga journalists sa bansa.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply