Ilang eskwelahan sa MM walang pasok dahil sa pag-ulan

ILANG eskwelahan sa Kalakhang Maynila ang nagsuspinde ng kanilang klase kaninang madaling araw bunsod ng masamang panahon at pag-ulan.

Kabilang sa mga nagsuspinde ng pang-umagang klase ay ang lahat ng pampubliko at pribadong preschool, elementary at high school sa Pateros at Parañaque.

Wala namang pasok ang pang-umaga at panghapong klase sa lahat ng pampubliko at pribadong preschool, elementary at high school sa Pasay.

Iba pang lungsod na na nagkansela ng pasok sa eskwela ay ang Antipolo, Cainta, Angono, Morong, at Teresa, Rizal (pampubliko at pribadong preschool, elementary at high school.

Sa ulat sa radyo, sinabi ng PAGASA na ang pinagsanib na lakas ng active low pressure area (LPA) at Hanging Habagat ang nagpapaulan sa Metro Manila.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply