Ilang lugar sa Metro Manila binaha

ILANG lugar sa Kalakhang Maynila ang binaha bunsod ng walang humpay na pag-ulan na nagsimula pa kagabi.

Nabatid na ilang kalsada ang hindi madaanan dahil sa tubig-baha.

Kabilang sa mga binaha ang mga sumusunod na lugar/kalye:

– Espanya
– Quapo district.
– Quezon Boulevard underpass
– Quirino Avenue extension
– San Gregorio Street sa Ermita
– Ilalim ng North at South bound lane sa Edsa-Cubao flyover
– Araneta Avenue
– E. Rodriguez
– V. Luna
– Ilang kalye sa Mandaluyong
– Ilang kalye sa Sampaloc, Maynila

Ayon sa ulat sa telebisyon, tumirik ang ilang sasakyan sa Quezon Boulevard underpass dahil sa lalim ng tubig baha, gayundin sa V. Luna.

Nagmistulang ilog naman ang ilalim ng South bound at North bound lane sa EDSA-Cubao flyover.

Lagpas naman sa gulong ang taas ng baha sa Araneta Avenue at E. Rodriguez, habang umapaw naman ang tubig sa bahagi ng Talayan river.

Ilang bahagi rin ng Camanava (Caloocan, Malabon, Navotas at Valenzuela) ang lubog sa tubig-baha hanggang sa mga oras na ito.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply