Ilang oil companies nagpatupad ng rollback ngayong araw

MULING nagpatupad ng rollback sa kanilang produktong petrolyo ang ilang kompanya ng langis ngayong araw.

Simula kaninang alas-12:01 ng hatinggabi, 30 sentimos ang ibinawas ng Shell, Petron, Seaoil at Flying V sa bawat litro ng kanilang diesel habang 40 sentimos naman sa kerosene.

Sinundan naman ito ng Phoenix Petroleum at Total na nagrolbak ngayong alas-6:00 ng umaga, sa kaparehong halaga.

Tinapyasan din ng Total ng P1 ang presyo ng kanilang Auto LPG.

Ang rolbak ay dahil pa rin sa pagbaba ng presyo ng langis sa pandaigdigang merkado.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply