Illegal loggers binalaan ng environmental ombudsman

BINALAAN ng bagong Environmental Ombudsman ang mga illegal loggers na itigil na ang kanilang gawain habang may panahon pa.

Ayon kay dating Deputy Ombudsman (DO) for Luzon Gerard Mosquera, bagong environmental ombudsman na itinalaga ni Ombudsman Conchita Carpio Morales, inatasan siyang magkaroon ng “updated list” ng mga reklamo at kaso at isyung may kinalaman sa paglapastangan sa kalikasan.

Imomonitor din umano niya ang implementasyon ng parusa sa mga nagkasala, partikular na ang mga illegal loggers na inirereklamong sanhi ng pagbaha sa iba’t ibang panig ng bansa.

Si Mosquera rin ang magiging reviewing/recommending authority sa mga kasong sumasailalim sa preliminary investigation at administrative adjudication.

Itinalaga naman ni Morales si Atty. Raquel Rosario Cunanan-Marayag bilang Assistant Environmental Ombudsman na tutulong kay Mosquera ngunit si Mosquera lamang ang magbibigay ng final approval.

Nagtalaga rin ng 26 ng Ombudsman lawyers si Morales bilang miyembro ng Environmental Team of Investigators and Prosecutors (Environmental Team).

Samantala, ikinatuwa naman ni Environment and Natural Resources (DENR) Secretary Ramon Paje ang pagbuhay ni Morales sa Environmental Team bilang pagsunod sa Memorandum of Agreement (MOA) sa pagitan ng OMB at ng Integrated Bar of the Philippines (IBP).

Aniya, kung maipatutupad ng maayos ang mga environmental laws ay mababawasan ang problema ng kanilang departamento.

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply