Imbestigasyon sa natakpang manholes ipinamamadali

IPINAMAMADALI na ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang pagsasagawa ng imbestigasyon hinggil sa mga natabunang manholes sa Metro Manila.

Ayon kay DPWH Secretary Rogelio Singson, nagbigay na siya ng direktiba sa DPWH-NCR Regional Director at mga district engineer upang agarang matunton ang kinalalagyan ng mga natakpang manholes.

Bukod dito, pinagsusumite na rin ni Singson ng inventory report ang kanyang mga tauhan upang matukoy at maparusahan ang mga pabayang contractor at project engineers na responsable sa pagtatakip ng mga nasabing manholes.

Sinabi rin ng Kalihim na maliban sa pananagutan sa batas ay sasagutin din ng mga contractors ang pagsasaayos ng mga natabunang 661 manholes.

Nitong nakalipas na Martes, nagkaroon ng malawakang pagbaha sa maraming lugar sa Kalakhang Maynila dahil sa magdamag na pag-ulan at sinasabing isa sa mga dahilan nito ay ang pagkawala ng mga manholes na natakpan ng aspalto.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply