Inabuso ang mga Amerikano

DUMATING ang U.S. Hospital Ship USNS Mercy sa Subic kamakalawa matapos ang humanitarian at civic assistance mission sa Calbayog, Samar kung saan mahigit 16,000 bata, matanda, lalaki, babae, bakla, tomboy at pati mga alagang hayop ang nakinabang.

Ang halos isang libong talampakang haba at siyam na palapag na taas na USNS Mercy ay nagsagawa na ng misyon sa Indonesia bago sa Samar at nasa Subic nga ngayon para sa “logistics,” kasama na ang iba’t ibang supplies, serbisyo at minor repairs.

Isa tayo sa 12 mamamahayag na sinundo ng helicopter ng USNS Mercy at inilipad patungo sa hospital ship na sakay na tayong dumaong sa Subic Bay Freeport, dating U.S. Naval Base hanggang 1992.

Ang USNS Mercy ay may humigit kumulang 1,000 officers & crew na bukod sa mga Amerikano, may Australyano, Ingles at iba pa na kung hindi pang medical, pang-teknikal at iba pang trabaho.

Halos isang linggo lang dito sa Subic Freeport ang USNS Mercy pero milyon-milyong pisong halaga na ang pumapasok sa lokal na ekonomiya mula sa supplies at serbisyo sa barko bukod pa sa individual na paggastos ng mga Amerikano at iba pang crew.

Nakalulungkot nga lang na may mga mapagsamantala na nagbibigay kahihiyan sa lahing Pinoy dahil sa kanilang kalokohan at katarantaduhan.

Ilan na rito itong mga taxi driver sa Subic Freeport na sobra-sobrang maningil sa pasahe.

Sumisingil ang mga hi-nayupak ng $150 hanggang $200 sa lapit na wala pang isang kilometrong biyahe.

Ito Ang Totoo: Dapat su-hetuhin ni SBMA Chairman & Administrator Roberto V. Garcia ang mga taxi operators at drivers na ito na nag-bibigay kahihiyan sa lahing Pinoy.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply