Inaway ng misis, Canadian national nanunog ng bahay

ISANG milyong piso ang naging pinsala sa ginawang pagsunog ng Canadian national sa kanilang sariling bahay bago nagtangkang magpakamatay matapos makaalitan ang misis sa Bacolod.

Sa imbestigasyon, binuhusan ng gasolina ni Michell Mike Duel, 67, ng Brgy. Cabug, ang kanilang bahay saka sinindihan.

Lumalabas na wala sa sarili ang suspek nang gawin ang panununog dahil na rin sa pang-aaway sa kanya ng Pinay na misis na kinilalang si Pedlyn Duel.

Nabatid pa na makaraang sunugin ang bahay ay nagtangka pang magpakamatay ang salarin sa pamamagitan ng  pagbibigti gamit ang electrical wire na agad namang nasaklolohan ng mga rumespondeng mga bombero.

loading...

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply