Inspeksyon sa mga paaralan pinaigting sa QC

UPANG masiguro ang kaligtasan ng mga kabataang mag-aaral sa mga pampublikong paaralan, mas pinaigting ngayon ng pamahalaang lungsod ang pag-iinspeksiyon para alamin kung kakailanganin na ang rehabilitasyon at pagsasaayos ng mga linya ng kuryente upang hindi na maulit muli ang insidente ng sunog na ikinatupok ng ilang mga paaralan sa lungsod Quezon.

Ito ang kinumpirma ni  Joselito Cabungcal, namumuno sa  Engineering Department ng lungsod.

Aniya, ang mga  public elementary at high schools  sa lungsod  ay ginawa  pa noong dekada 70 at 80 at karamihan sa mga ito ay maikukonsidera ng fire trap.

“Our thrust now is to inspect all old school buildings because of their poor electrical wiring system,” ayon kay Cabungcal.

Aniya, kamakailan lamang ay muntik ng masunog ang isang public high school sa  Project 6  dahil sa mahinang klase ng electrical wiring na hindi na kayang tanggapin ang malakas na daloy ng kuryente.

Ayon kay Cabungcal, gusto lamang nilang matiyak ang kaligtasan ng mga mag-aaral  kung  kaya iniutos na niya ang pag-iinspeksiyon sa mga paaralan para makaiwas sa sunog.

Kaugnay nito, nanawagan din si Cabungcal sa mga awtoridad ng paaralan na bantayan ang kanilang mga nasasakupan kung saan nasasabotahe na umano sila ng mga informal settlers malapit sa paligid ng kanilang paaralan dahil nakatap ang linya ng   kuryente at tubig sa kanilang paaralan .

“The city is also addressing power and water pilferage by informal settlers in depressed communities near many public schools,” he noted.

Umaabot, aniya, ang billing ng  kuryente particular ang Commonwealth National High School hanggang P100,000 bawat buwan dahil sa pagnanakaw ng kuryente ng mga informal settlers na nasa paligid ng paaralan.

Apektado rin ng pagnanakaw ng kuryente at tubig ang Rondon High School sa Project 6.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply