JBC interview sa mga CJ candidates simula na

SIMULA na ang panel interview ng Judicial and Bar Council (JBC) sa mga kandidato sa pagka-Chief Justice.

Kabilang sa mga isasalang mula ngayong alas-9:00 ng umaga hanggang 12 ng tanghali ay sina:

1. Presidential Commission on Good Government (PCGG) Chairman Andres Bautista;
2. Soledad Cagampang-De Castro; at
3. Justice Secretary Leila De Lima

Mamayang alas-2:00 ng hanggang alas-5:00 naman ng hapon ay nakatakdang isalang sina:

1. Former De La Salle University (DLSU) Law Dean Jose Manuel Diokno;
2. Solicitor General Francis Jardeleza; at
3. Atty. Katrina legarda

Ayon sa tagapagsalita ng Korte Suprema na si Atty. Gleo Guerra, naglagay ng tatlong camera sa division hearing room na itututok sa JBC panel, sa nakasalang na candidate at sa mga manonood.

Nabatid na limitado lamang ang mga pinayagang manonood sa loob ng division hearing room. Inilaan ang huling row ng upuan para sa mga miyembro ng media habang ang unang row ay para sa JBC personnel at ang gitna ay para naman sa publiko na gustong manood.

Maaari namang manood sa lobby kung saan may inilgay na screen ang Supreme Court, ang mga manonood na hindi nakapasok sa hearing room. Gayunman, limitado lamang ang mga pinayagang manood dito.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply