Inuman ng 2 matanda nauwi sa saksakan, isa patay

VIGAN CITY– Isang senior citizen ang dead on arrival sa Candon General Hopital matapos itong pagsasaksakin ng isa pang senior citizen sa Barangay Buliklik, Sta. Lucia, Ilocos Sur.

Ang biktima na nagtamo ng saksak sa katawan ay nakilalang si Larry Pablo, 60, ng nasabing barangay.

Samantala, ang suspek na agad namang naaresto pagkatapos ng insidente ay nakilalang si Francisco Daloyen, 70, kapitbahay ng biktima.

Sa inisyal na report ng Sta. Lucia Ilocos Sur Philippine National Police (PNP), bago maganap ang insidente ay nag-iinuman ang biktima at suspek sa isang bahay na pag- aari ng isang Orlino Gumangan.

Sa gitna ng kanilang pag iinuman, nagkaroon umano ng pagtatalo hanggang bumunot ng patalin ang suspek at pinagsasaksak ang biktima.

Sa kasalukuyan, nahaharap sa kasong homicide and suspek.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply