Investigative journalist na sila-sila, natameme kay Madonna!

MAGALING talaga si Kris Aquino. Alam n’ya kung paano siya mapag-uusapan, pati na ang kanyang Kris TV sa ABS-CBN 2. Biglang pinag-guest co-host n’ya for a week sa daily morning show n’ya si Sen. Chiz Escudero bilang bahagi ng first anniversary celebration ng show.

Siyempre pa, pumayag ang magaling na senador dahil dagdag na exposure nga naman sa kanya yon para sa darating na senatorial election. Alam naman n’yang nali-link sila ng TV host na nakatatlong “asawa” na (Phillip Salvador, Joey Marquez, James Yap) mula nung mapabalitang maghihiwalay na sila ng misis n’yang si Kristine. At parang annuled na rin ang kasal nina Chiz at Kristine. Parang yon ang nabasa namin sa isang broadsheet column kamakailan. So, parang mas malaya na ang senador ngayon na magpa-link kung kanino–na siya rin namang hilig ni Kris mula nung mahiwalay siya kay James.

Actually, ngayon pa lang ay marami nang nagsasabing magkatuluyan man sina Kris at Chiz, tiyak na ilang taon lang ang kanilang magiging pagsasama. Parang wala namang reputasyon ng pagiging babaero ang magiting na senador pero siguradong dahil sa stature n’ya siguradong kasing strong-willed (at kasing dominante!) ni Kris, kaya paano sila magtatagal?

Well, abangan na lang natin kung seryoso sa isa’t isa sa pagtitipuhan ang kapatid ng pangulo at ang magiting na senador (na nali-link din, o nagpapa-link, kay Anne Curtis).

***

SIKAT na kaya ang Talk TV sa Pilipinas, pati na sa mga college student na dapat matuto ng Ingles para madaling makahanap ng trabaho pagka-graduate nila?

Ang Solar Entertainment ang operator ng Talk TV sa cable channels at ayon sa mga plugging na natitiyempuhan namin du’n, magkakaroon na rin sila ng local shows.

Magkakaroon ng local newscast du’n na ang mag-a-anchor ay si Riza Hontiveros, na naaalala naming some months ago ay nagresign sa ABS-CBN para umano’y maasikaso ang pamilya n’ya.

Magkalaru’n din ru’n ng lifestyle show na ang magho-host ay isang tipong hunk na si Paco Guerrero (na di pa namin alam ang background dahil di pa namin naigu-Google.)

Sa Talk TV ine-air ang mga talk show na sikat sa Amerika na sina David Letterman, Jay Leno, at ng dating inves -tigative journalist na si Anderson Cooper. At may big news nga pala tungkol sa Anderson na ito.

Kamakailan lang ay umamin siya na matagal na pala siyang bading.

Actually, matagal na siyang natsitsismis na bading, pero kamakailan lang nga siya umamin sa isang interbyu (na pam-print media, di pam-broadcast). Nung mabasa namin sa isang international website (ang Huffington) ang balitang yon, bigla naming naalaala yung plugging ng Talk TV sa show n’ya: iniinterbyu n’ya si Madonna.

Tinanong ni Anderson ang garampingat kung may balak ba itong magpakasal uli (dahil nakailang diborsyo na rin naman ang lukaret). Buong pa-girl na sagot ng garampingat na Madonna: “Are you asking me?”

Natameme ang Anderson! Paano nga naman n’ya sasagutin yon sa harap ng kamera? Alanganin namang sabihin n’yang: “But, darling, I only go for men!”

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply