Ipupuslit na mga palos nasabat ng BFAR

NASABAT ng mga kawani ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) ang may 46 kahon na naglalaman ng mahigit-kumulang dalawang milyong semilya ng mga isdang palos o igat sa airport sa Parañaque.

Ayon kay BFAR Director Asis Perez, dulot ng nauubos na bilang ng mga ito ay mahigpit nang ipinagbabawal sa bansa ang panghuhuli ng semilya ng igat maging ang pag-e-export nito.

Nakatakda sanang ibiyahe bukas ng umaga ang mga igat patungong Hong Kong na nagkakahalagang P30,000 kada kilo at ini-export din sa China at Japan.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply